Thursday, December 15, 2011

Para Sa iyo, Sana Mabasa mo...

Alam mo namang Mahal na Mahal Kita.
Siguro dahil jan, kaya nagagawa mo ang mga bagay na aking nakikita.

Madalas mo akong pag intayin;
Madalas mo akong hindi nais intindihin.

Madalas kang may pinagkakaabalahan Ngunit ako naman ay parating nakasuporta.
Marahil dahil sa alam mo, kaya mo ako pilit na di inaalala.

Dumating ang araw, ako'y labis na sinaktan
Ika'y sa iba nakipagkasintahanan.

Inakala ko ikaw ay magbabago at babawi;
Ngunit bakit ang puso ko lalong nasasawi?

Hindi mo ako pinahahalagahan; puso ko laging tinatapakan
Isip at damdamin ko pilit na pinaglalaruan...

Sa totoo lang, Ikaw ba ay marunong magmahal?
Sa totoo lang, Ikaw ba ay nagbibigay ng bukal?

Sa paglipas ng panahon, tila walang pagbabago
Puso ko lagi mong dinudurog at binabato.

Hindi ko alam hanggan kailan puso ko makakapagtiis...
Ang alam ko lang, ang sakit na dinaranas ay labis labis

Kailan mo makikita na ako ay umiiyak?
Pag ako ba ay nagbago na at lumisan nang tiyak?

No comments:

Post a Comment